THE BOILING "GAY FROG" SYNDROME
- LUNAH_43

- Nov 11
- 3 min read
Updated: 4 days ago
Narinig mo na ba ang Boiling Frog Syndrome? Simple lang ang kwento. Kapag nilagay mo ang isang palaka sa malamig na tubig at pagkatapos, unti-unti mong pinainit, hindi niya mapapansin na unti-unti na siyang naluluto. Ito ay dahil nasasanay siya sa init at hindi niya ito binibigyang-pansin. Hanggang sa huli, huli na rin para tumalon at iligtas ang kanyang sarili.

Sounds familiar, di ba? Parang ganun din ang nangyayari sa maraming LGBTQIA+ people sa totoong buhay. Hindi agad-agad marahas o malakas ang diskriminasyon. Minsan pa-joke lang. Minsan simpleng comment na “Ay, sayang, gwapo ka sana kung di ka bakla,” o “Bakit ang tigas ng boses mo, tomboy ka ba?” Minsan, tahimik lang tayo. Yung simpleng pag-iwas, yung hindi ka isinasama, o yung awkward na tingin kapag nagsasalita ka. At dahil paulit-ulit na natin itong naririnig at nararanasan, nasasanay tayo. Parang “okay lang” na. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga.
Yung “unti-unting init” ay yung mga maliliit na sakit na ating tinatago. Yung tipong tatawa ka na lang kahit nasasaktan, kasi ayaw mong maging "too sensitive" na ayon lamang sa kanila. Yung nagto-tone down ka ng sarili mo, nag-iingat sa galaw o boses mo, dahil baka husgahan ka. Yung pinipili mong manahimik kahit may mali, kasi takot kang mapahiya o mapag-initan.
Ganyan tayo minsan bilang mga LGBTQIA+. Natuto tayong mag-adjust, magtago, o magtiis. Hanggang dumating sa punto na hindi na natin kilala kung sino talaga tayo kapag mag-isa na lang tayo. Parang yung palaka na dahan-dahang naluluto, hindi dahil gusto niya, kundi dahil hindi niya alam kung kailan dapat lumundag.
Pero eto ang maganda:
MAY CHOICE TAYO. Pwede tayong tumalon palabas ng kumukulong tubig. Pwede nating sabihin, “Tama na. Ayoko nang tiisin.” Pwede tayong maging aware na kahit maliit na pang-aapi, hindi dapat palagpasin. Pwede tayong magsalita, magkwento, at magtulungan.
Kasi awareness is power. Kapag alam mong umiinit na ang tubig, kapag naramdaman mong may mali, may karapatan kang iligtas ang sarili mo. May karapatan kang ipaglaban kung sino ka. At may lakas kang magsabing, “Hindi ako magpapaluto sa init ng tahimik na diskriminasyon.”
Ang Boiling Frog Syndrome ay paalala sa ating lahat na huwag tayong manahimik sa mga maliliit na bagay, kasi minsan doon nagsisimula ang mga malalaking sugat. Kung may friend ka, kapamilya, o kakilala sa LGBTQIA+ community, pakinggan mo, damayan mo, ipagtanggol mo. Hindi mo kailangang maghintay na kumulo ang sitwasyon bago ka kumilos.
Para sa ating lahat, lalo na sa mga LGBTQIA+, huwag mong hayaang kainin ng katahimikan ang tapang mo. The world may not always be kind, pero kapag sama-sama tayo, kaya nating magbago ng sistema. Tulad ng palaka, huwag tayong manatili sa kumukulong tubig.
Sama-sama tayong lumundag papunta sa kalayaan, pagtanggap, at pagmamahal.
THE BOILING "GAY FROG" SYNDROME
Written by: LUNAH_43
Lobo Senior High School Student
LUNAH_43 is a student from Lobo Senior High School who chooses to stay anonymous, but that never stops him from speaking through his words. A closeted individual and a book lover, he believes that writing is his voice when silence feels safer. He holds onto hope that in time, there will be a perfect moment to come out and live his truth freely.
Want your story featured? Email us! We’re always listening. Stay tuned for more stories, features, and behind-the-scenes updates from the heart of FTS LOBO. Let’s continue making spaces that heal, celebrate, and empower. FTS LOBO—Where Every Identity Finds a Home.
HELP US CONTINUE OUR MISSION!





Comments