top of page

BAKLA ANG TATAY KO. EH ANO NAMAN?

  • Writer: Charlie Peña A.
    Charlie Peña A.
  • 4 days ago
  • 2 min read

“Bakla ang tatay ko.”

Pause muna.

Bago ka mag-react.

At oo, hindi rin kami magkadugo. Pero teka, huwag ka munang magulat. Kasi mas makapal pa ang pagmamahal niya kaysa sa foundation ko noong JS Prom.


Lumaki ako kasama siya na para bang kopya namin ang isa’t isa, kahit halatang-halata namang hindi kami magkamukha. Siya yung tipong “anak, ayusin mo yang buhok mo, magpabango ka, represent me well” kahit wala naman kaming dalang award show. At ako naman, sumusunod lang, dahil bakit ba hindi?


Siya kasi yung klase ng tatay na minsan mas extra pa kaysa sa akin. Tipong kapag may school event ako, siya ang super supportive parent, pero parang siyang stage mother na may sariling spotlight. At alam mo? Nakakatuwa. Nakaka-proud. At minsan, nakaka-untog ng noo dahil sa kakatawa.


Marami nang nagtanong sakin dati:“Uy, bakit ganyan magsalita tatay mo?”“Uy, bakla ba siya?”


At ako naman, deadma queen, sasagot:“OO. Bakit? Masama ba yung mas magaling pa siyang mag-advise sa love life ko kaysa sa akin?”At minsan, bonus pa, mas alam niya ang chismis bago pa pumutok.


Tunay.

Original.

Breaking news.


Pero eto ang pinaka-importanteng twist.

Hindi ko siya kadugo. Walang DNA match, walang family tree connection. Pero guess what?


Siya ang unang nakakapagpakain sakin kapag wala akong gana.

Siya ang unang nag-iiiyak kapag may award ako.

Siya ang unang nagiging ZsaZsa Zaturna kapag may nanakit sakin.

At siya rin ang unang magpapatawa sakin kapag feeling ko end of the world na.


Kung tutuusin, mas makapal pa ang pagmamahalan namin kaysa sa kilay niya on a good day. At trust me, makapal talaga yon.


Hindi namin kailangan ng parehong apelyido. Hindi namin kailangan ng parehong dugo. Kasi araw-araw, pinipili niya akong mahalin. At araw-araw, pinipili ko ring ipagmalaki siya.


Kaya ikaw na nagbabasa nito, kung may nagtanong man ulit:“Uy, bakla tatay mo?”Ang sagot ko?“Oo. Hindi ko pa kadugo. EH ANO NAMAN? Mas tatay ko siya kaysa sa iba diyan.”


At kung may natutunan ako sa kanya, yun ay ang pamilya ay hindi sinusukat sa dugo. Sinusukat yan sa effort, sa tawa, sa lambing, sa pag-aaruga,at minsan…


sa kung gaano ka niya ipagtatanggol kahit sa barangay hall.”


“At sa huli, hindi ko kailangan ng tunay na dugo. Dahil meron akong tatay na pinili ako, minahal ako, at minsan mas OA pa mag-alala kaysa sa kay Aling Nena sa kapitbahay. At kung yan ang sukatan ng tunay? Aba, siya ang panalo sa puso ko.”


BAKLA ANG TATAY KO. EH ANO NAMAN?


Written by: Charlie Peña A.

PNU Student, Bachelor in Early Childhood Development


ree

Charlie Peña B. is a student at the Philippine Normal University, taking up a Bachelor in Early Childhood Education. He has a strong passion for creative writing, especially on relationship topics, sociology, and child development. Charlie writes with warmth, insight, and emotional depth using his voice to explore human connections, everyday stories, and the complexities of growing up. For him, writing is a space to understand people, spark reflection, and share meaningful experiences.


Want your story featured? Email us! We’re always listening. Stay tuned for more stories, features, and behind-the-scenes updates from the heart of FTS LOBO. Let’s continue making spaces that heal, celebrate, and empower. FTS LOBO—Where Every Identity Finds a Home.



HELP US CONTINUE OUR MISSION!


1 Comment


Jerry Shangyin
Jerry Shangyin
4 days ago

Love the humor pero andun yung katotohanan. Love everything about this piece! Mabuhay ang mga gay parents!

Like
bottom of page