TAMANG PANTUKOY: Maliit na Salita, Malaking Respeto
- Leah C. Detaunon

- Nov 11
- 2 min read
Updated: 4 days ago
Bilang isang LGBTQ+ rights and empowerment advocate, araw-araw kong nasasaksihan kung gaano kahalaga ang tamang pangtukoy (PRONOUNS) sa pagkatao ng isang LGBTQ+ individual. Marami ang nag-aakala na simpleng salita lang ito. Pero sa amin, hindi. Ito ay pagkilala, paggalang, at pagkilala sa pagkatao.
Bilang isang transwoman, karapatan kong tawagin bilang "Ma’am", "Miss", "She", o "Her". Hindi dahil sa arte. Hindi dahil sa kapritso. Kundi dahil iyon ang aking pagkakakilanlan. Iyon ang aking identity.
Masakit na isipin na sa kabila ng mga batas at programang nakalaan para sa amin tulad ng GAD (Gender and Development), marami pa ring opisina, pribado man o gobyerno, ang hindi pa rin sumusunod sa tamang implementasyon.
May GAD focal person.
May GAD budget.
May GAD plan.
Pero wala ang GAD sa puso at gawa. Doon mismo sa dapat maging ligtas na espasyo, nangyayari ang diskriminasyon. Sa simpleng pantukoy, napaparamdam na hindi kami tanggap. Sa isang maling pagtawag, nasisira ang pagtingin namin sa aming sarili, at sa respeto na dapat sana ay ibinibigay.

Ang tamang pronoun ay hindi pabor o espesyal na treatment kundi isang karapatan at dignidad.
Kung kaya’t muli naming ipinapaalala: Ang pagkilala sa aming pronoun ay pagkilala sa aming pagkatao. Ang paggalang sa aming identity ay paggalang sa aming karapatang pantao. Dapat din nating mabatid na may mga batas na nagproprotekta sa aming mga karapang pantao na maaring hindi pa batid ng marami.
RA 11313 – Safe Spaces Act
Nakapaloob dito na bawal ang gender-based harassment, kabilang na ang pang-aalipusta o pagbabalewala sa SOGIE ng isang tao, sa public spaces, workplaces, online, at pati sa government transactions.
RA 9710 – Magna Carta of Women
Itinataguyod ang karapatan ng kababaihan kabilang ang pagtrato nang may dignidad, respeto, at gender-sensitive practices. Kung ang isang transwoman ay nanawagan na kilalanin bilang babae, ang hindi paggalang dito ay paglabag sa prinsipyong ito.
CSC Memo Circular No. 31 s. 2020
Ipinagbabawal ang anumang diskriminasyon sa government offices batay sa SOGIE, at hinihikayat ang paggamit ng preferred pronouns para sa mga trans at LGBTQ+ personnel or clients.
GAD Mandate (EO 273)
Lahat ng government offices ay required magpatupad ng gender-responsive programs, hindi lang sa papel, kundi sa aktwal na serbisyo. Kaya ang tamang pronoun ay hindi “special request.” Ito ay karapatang pantao.
Sa bawat tamang “PRONOUN “na ibinibigay ninyo sa bawat isang LGBTQIA+, binibigyan ninyo kmi ng espasyo na huminga. Ng respeto. Ng pagkilala.
ANG RESPETO AY LIBRE.
ANG PAGKILALA AY OBLIGASYON.
ANG PRONOUN AY KARAPATAN.
TAMANG PANTUKOY: Maliit na Salita, Malaking Respeto
Written by: Ms. Leah Concha Detaunon
FTS Lobo Council President | Proud Trans Woman | LGBTQ+ Rights Advocate | The Unbothered Queen
Madam Leah C. Detaunon is a bold and passionate trans woman leader dedicated to advancing gender-based rights and fighting discrimination. As the President of FTS Lobo Organization, Inc., she champions equality and pushes for the recognition of preferred names, pronouns, and identity, especially in government processes and public service. Her mission is to build a community where dignity and respect are not requested but naturally given.
Want your story featured? Email us! We’re always listening. Stay tuned for more stories, features, and behind-the-scenes updates from the heart of FTS LOBO. Let’s continue making spaces that heal, celebrate, and empower. FTS LOBO—Where Every Identity Finds a Home.
HELP US CONTINUE OUR MISSION!





Comments