top of page

TAMA NA ANG RESILIENCE!

  • Writer: I-BROW&PEN
    I-BROW&PEN
  • Nov 7
  • 2 min read

Updated: 4 days ago


Paulit-ulit na lang.

Baha.

Likas na sakuna.

Pagkalunod ng pangarap.

Pagkalat ng relief goods na parang pilit na pantapal sa lalim ng sugat.


At pagkatapos? Tayo na naman ang binabati na “ang tatatag nyo,” “ang gagaling nyo bumangon,” “Filipinos are resilient. ”Pero hoy, hindi dapat resiliency ang identity natin habang buhay.


Yung baha sa Cebu, hindi lang siya ulan. Hindi lang siya natural disaster. Katotohanan siya na may mga bagay sa bansa na kaya sanang maiwasan, kung may tamang plano, tamang sistema, at tamang klase ng lider.


Pero ano nangyari?


ree

Yung mga tao, nag-amot ng tulong. Mga kapitbahay, nagtulungan. Kahit pagod na, kahit wasak na bahay, kahit wala nang makain, nagbigay pa rin.


Tayong mga tao ang gumagawa ng trabaho ng gobyerno.

Tapos ano ang linya na ipupukpok sa atin?


“Ganyan talaga, tanggapin na lang natin. Ang mahalaga buhay tayo.”


Hindi. Hindi na sapat yun.


Pagod na tayo. Pagod na sa cycle na baha. Tulong-tulong tapos wala pa ring pagbabago. Pagod nang purihin ng mga politiko na kesyo “nakaka-inspire” daw tayo, habang sila nakaupo sa aircon, kumakain ng buffet, at nag-a-announce ng plans na walang nangyayari.


ree

Hindi resiliency ang kailangan.


Responsibility.

Accountability.

Totoong trabaho.


Kasi hindi naman bagyo ang tunay na kalaban natin eh. Kawalan ng plano. Kawalan ng sistema. Kawalan ng malasakit.


Yung mga corrupt na opisyal na ginagawang negosyo ang pondo para sa kaligtasan natin, yung mga inuuna ang project na may ribbon cutting kaysa drainage at disaster preparedness,yung mga mas takot mawalan ng boto kaysa mawalan tayo ng bahay, sila ang nagpalubog, hindi lang ulan.


At kung may mura man na dapat ibato, hindi sa taong lumalangoy sa baha,kundi sa mga taong dapat pumigil dito pero hindi nila ginawa.


Kaya yes, matatag tayo. Pero hindi dahil gusto natin. Kundi dahil pinipilitan tayo ng sistema na tiisin ang sakit.


ree

At ngayon, panahon na para sabihin nang diretso:


Hindi kami inspirasyon. Tao kami. Pagod na. Hindi kami dapat sumikat sa news kasi ang galing namin mag-survive. Dapat masabi sa news na safe, handa, at protektado ang mga tao, kasi gumagana ang gobyerno. Filipinos will always help each other. Totoo yan. Pero hindi ibig sabihin nun papayag tayong habambuhay na lang na ganito.


Resilience is not the story anymore. Change is. And this time, hindi na tayo tatahimik.


TAMA NA ANG RESILIENCE!


Written by: I-BROW&PEN

Guest Writer


I-BROW&PEN is a proud graduate of Philippine Normal University with a degree in Secondary Education, Major in Psychology. Now based in Prague, Czech Republic, she continues to champion human rights while staying true to her Filipino roots. She is a community storyteller and advocate whose work centers on lived realities, shared struggles, and the quiet strength of everyday people. Although she chooses to remain anonymous in many of her pieces, this anonymity is not silence.


📸 Photo Credits: All images used in this article belong to their rightful owners. No copyright infringement intended. Credits to the original photographers, artists and creators.


Want your story featured? Email us! We’re always listening. Stay tuned for more stories, features, and behind-the-scenes updates from the heart of FTS LOBO. Let’s continue making spaces that heal, celebrate, and empower. FTS LOBO—Where Every Identity Finds a Home.


HELP US CONTINUE OUR MISSION!



Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
bottom of page