top of page

STOP THE STIGMA: Makeup Brush at Gunting Lang? Tse.

  • Writer: FTS Lobo Organization INC.
    FTS Lobo Organization INC.
  • Aug 17
  • 2 min read

Updated: Sep 3

Alam mo yon, kapag sinabi mong LGBTQIA+, ang unang pumapasok sa isip ng iba ay “pang-parlor,” “pang-makeup,” “pang-salon.”


Pero teka lang. Hindi lang doon umiikot ang mundo ng LGBTQIA+ community.


Oo, marami ang magagaling sa ganitong mga larangan, at we’re proud of that! Pero sana, wag nating ikahon ang kakayahan nila sa gunting at hair dye lang. Maraming LGBTQIA+ ang mga propesyonal na guro, doktor, engineer, abogado, scientist, artists, at leaders. May mga negosyante, community organizers, at public servants. Lahat sila ay may galing, talino, at puso para sa kanilang ginagawa.


Ang pagiging LGBTQIA+ ay hindi hadlang, kundi dagdag lakas. Minsan kasi, dahil sa matagal nang stereotypes, parang automatic na nililimitahan ang pangarap ng isang miyembro ng komunidad.


Pero tanungin mo kami. Kaya naming makipagsabayan at manguna sa kahit anong field. Kaya stop na ang stigma. Buksan natin ang isipan natin. Hindi dahil bakla, tomboy, o trans ay pang-salon lang.


Lahat ng tao, anuman ang SOGIE nila, may karapatang mangarap at magtagumpay. Ang tunay na laban ay hindi sa kung anong itsura o kasarian mo, kundi sa kung paano mo pinapatunayan ang sarili mong kakayahan.


At sa dami ng LGBTQIA+ na matagumpay sa iba’t ibang larangan, isa lang ang malinaw: HINDI LANG KAMI PANG BEAUTY. DAHIL ANG DALA NAMING KULAY AY NAGBIBIGAY NG MAS MALIWANAG NA KULAY SA ANUMANG DISIPLINA.


ree

STOP THE STIGMA: Makeup Brush at Gunting Lang? Tse.


This piece was written by a proud member of FTS Lobo Organization Inc. who has chosen to remain anonymous. Their voice reflects the lived experiences of our community, and we honor their decision to share their story while keeping their identity private.


Want your story featured? Email us! We’re always listening. Stay tuned for more stories, features, and behind-the-scenes updates from the heart of FTS LOBO. Let’s continue making spaces that heal, celebrate, and empower. FTS LOBO—Where Every Identity Finds a Home.

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
bottom of page