top of page
Auntie and Uncle Day Instagram Template - Made with PosterMyWall_edited.png

FEATURED WHAT IF'S

Paano kaya kung bawat damdaming hindi mo pinansin ay naging anino na sumusunod sa’yo, ilang anino kaya ang kasama mo ngayon?

Imagine all the sadness, fear, anger, and even small disappointments you pushed aside, they didn’t disappear. Instead, they quietly walked beside you, sometimes heavy, sometimes just lingering.

Paano kung sa tuwing itinatago mo ang isang bahagi ng sarili mo, may isang bituin na nawawala sa langit, gaano pa kaya kaliwanag ang langit ngayong gabi?

Naisip mo na ba kung paano titingnan ang langit kung bawat tinatagong bahagi ng sarili mo ay nagiging isang bituin na nawawala? Minsan, naiimagine ko na kung titingala tayo ngayong gabi, parang medyo madilim ang kalangitan, hindi dahil kulang ka sa liwanag, kundi dahil ilang taon mo nang pinrotektahan ang mga delikadong bahagi ng sarili mo sa mundong minsan ay hindi nakakaintindi.

Paano kaya kung lahat ay unang magpapakita ng kabutihan bago humusga? Ano kaya ang pakiramdam ng mundo?

What if everyone chose kindness before passing judgment? Imagine a world where every glance, every word, every action started with understanding instead of assumptions. Paano kaya kung sa halip na punahin agad, unang naiisip ng bawat isa ay “Paano ko siya matutulungan?” o “Paano ko siya maiintindihan?”

Paano kaya kung hindi na kailangang mag-“come out” ang sinuman dahil tanggap na ang pagiging tunay sa sarili?

Imagine a world where living your truth wasn’t brave, it was normal. Wala nang takot, wala nang pag-aalinlangan, at wala nang pangangailangan na ipaliwanag ang sarili mo sa iba.

bottom of page