top of page
Auntie and Uncle Day Instagram Template - Made with PosterMyWall_edited.png

Paano kaya kung lahat ay unang magpapakita ng kabutihan bago humusga? Ano kaya ang pakiramdam ng mundo?

What if everyone chose kindness before passing judgment? Imagine a world where every glance, every word, every action started with understanding instead of assumptions. Paano kaya kung sa halip na punahin agad, unang naiisip ng bawat isa ay “Paano ko siya matutulungan?” o “Paano ko siya maiintindihan?”

Siguro, sa ganitong mundo, mas kaunti ang sugat sa puso. Mas madali ang pag-ibig at pagtanggap, hindi lang sa iba, kundi pati sa sarili mo. Ang mga pagkakaiba natin ay hindi na sanhi ng alitan, kundi dahilan para mag-aral at mag-grow.

Every act of kindness, no matter how small, adds warmth to someone’s day. At sa bawat araw na pipiliin natin ito, mas lumiliwanag ang mundo, hindi lang sa paligid natin, kundi sa puso natin rin.

Kaya ngayong araw, subukan mong maging unang magpakita ng kindness bago hatulan. Maliit man o malaki, makakaramdam ka ng pagbabago at baka ang mundo rin ay unti-unting magbago kasama mo.

With kindness,
FTS Lobo

bottom of page