top of page

FTS Lobo Organization Inc., Nakiisa sa Civil Society Organization Conference ng Sangguniang Bayan ng Lobo

FTS Lobo Organization Inc., Nakiisa sa Civil Society Organization Conference ng Sangguniang Bayan ng Lobo

Reported By: Jerry Shangyin

Nov 18, 2025

LOBO, BATANGAS — Tumugon ang FTS Lobo Organization Inc., isang SEC-registered, DOLE-accredited, at CSO-accredited organization mula sa Municipal at Provincial level, sa panawagan ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan ng Lobo para sa idinaos na Civil Society Organization Conference na nilahukan ng iba’t ibang kinatawan ng Civil Society Organizations (CSOs) sa bayan.

Ginanap ang conference sa Sangguniang Bayan Session Hall noong Nobyembre 18, 2025, ganap na 1:00 PM, at dinaluhan ng mga NGOs, POs, at CSOs mula sa iba’t ibang sektor.


Pinangunahan ito ng mga Kagalang-galang na Konsehal ng Bayan, Hon. Kim Manalo at Hon. Jake Paglicawan, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng mga organisasyon sa lokal na pamahalaan.


Kasama rin sa mga dumalo sina G. Brian Ballon, kinatawan ng DILG, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at gabay sa papel ng CSOs sa pamahalaan at komunidad.


Nirepresenta ng FTS Lobo President, Leah Detaunon, ang organisasyon sa pagtitipon. Kasama rin sa mga dumalo si G. Marlon Anyayahan, Pangulo ng Batangas Vatsitarian Lobo Council at isa ring opisyales ng FTS Lobo Organization Inc.


Tinalakay sa conference ang proseso ng accreditation, mga kinakailangang dokumento, at updated procedures na kinakailangan upang maging ganap na accredited at makalahok sa iba’t ibang consultative bodies at development councils ng LGU.


Bilang aktibong organisasyong nagsusulong ng LGBT advocacy, community development, at inclusive engagement, ipinahayag ng FTS Lobo Organization Inc. ang kanilang patuloy na suporta at kahandaang makipagtulungan sa LGU para sa mas inklusibo at makataong pag-unlad ng Lobo.


Ang Civil Society Organization Conference ay nagsilbing mahalagang hakbang para mapalakas ang representasyon at boses ng mga Civil Society Organizations sa paghubog ng mas progresibo, makatarungan, at participatory na pamayanan sa bayan ng Lobo.

bottom of page