top of page
Featured Question of the Week

SENDER:

DATE RECEIVED:

DATE ANSWERED:

RESPONDED BY:

DATE FEATURED:

Anonymous

August 1, 2025 9:04 AM

August 3, 2025

Jerry Shangyin - FTS Lobo - Chairman of the Board of Directors

August 3, 2025 via Facebook, Instagram

Dear gentle follower,

Una sa lahat, maraming salamat sa iyong katanungan.

Totoo, madali sanang sabihin na “oo”, safe space ang social media para sa atin. Dahil doon tayo nakakahanap ng mga taong tulad natin. Doon natin unang nakita ang salitang “non-binary,” “trans lives matter,” “chosen family,” at “Pride.” Doon tayo unang nag-likes sa kapwa natin na nagladlad. Doon tayo unang tinanggap, kahit virtual lang.

Pero kung tatanungin mo nang totoo… Safe space ba talaga ang social media para sa atin?

Ang sagot? Minsan. Pero hindi palagi.

Sa isang iglap, puwedeng maging tahanan ang social media. Isang comment lang, at para kang niyakap. Isang post lang, at para kang pinakinggan. Isang “same sis” lang, at bigla mong naramdaman na hindi ka mag-isa.

Pero sa parehong paraan, isang tweet lang, puwedeng burahin ang pagkatao mo. Isang laugh emoji lang, puwedeng baliwalain ang paninindigan mo. Isang share lang ng hate content, at parang buong mundo ay galit sa iyo. Kasama nito ang pakiramdam na nakakapagod, nakakatakot at nakakabaliw isipin na minsan, ang lugar na pinili mong maging ligtas ay bigla kang susugurin.

Kaya kung ikaw ay napapagod sa digital noise, kung napapaisip ka kung okay lang ba talagang magpost ng sarili mong truth, kung natatakot ka pa ring magladlad kahit online lang, HINDI IKAW ANG PROBLEMA. At hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo para maging “welcome” sa isang espasyo na dapat ay para sa lahat.

Ang social media ay hindi palaging ligtas. Pero maaari natin itong gawing ligtaspa ra sa isa’t isa. Sa bawat pag-react natin ng ❤️sa coming out post, sa bawat pag-report natin sa hate speech, sa bawat pagbibigay ng boses sa kapwa nating tahimik lang na lumalaban, WE CREATE SAFER SPACES, not because they already exist, but because we choose to build them.

Sa FTS LOBO Organization Inc., ginagawa namin ang social media hindi lang para magpakita, kundi para magpalaya, hindi para mag-trending, kundi para magtulungan, at hindi lang para sa ingay kundi para sa totoo.

So if you’re still asking, “safe space ba ang social media para satin?” Ang sagot namin ay ito:

Sa piling ng mga tunay na kasama, Oo. Lagi. At dapat. Kasama mo kami, Online man o offline. Ligtas ka sa amin.

With all pride and protection,
FTS LOBO Organization Inc.
“Lahat Tayo May Kulay. Lahat Tayo May Lugar

Your voice matters. Share your thoughts below. Let’s learn and grow together with AskFTSLobo.

bottom of page