
SENDER:
DATE RECEIVED:
DATE ANSWERED:
RESPONDED BY:
DATE FEATURED:
Anonymous
July 15, 2025 11:00PM
July 18, 2025
BOD of FTS LOBO
July 18, 2025 via Facebook, Instagram
Dear gentle follower,
Hi dear!
Una sa lahat, salamat sa tanong mo. Ang tapang mo! Marami rin kasi ang curious o nalilito tungkol sa usong term na “redlines,” kaya ang sarap pag-usapan ‘to nang maayos at may puso.
So, let’s start:
Ang “redlines” ay slang na ginagamit ngayon para tukuyin kung ilang beses o ilang tao na ang nakatalik mo. Sa iba, parang biruan lang, kwentuhan sa tropa, minsan pa nga nagiging competition. Pero sa likod ng “fun” na image nito, may mga epekto rin ito lalo na sa mga tulad nating nasa LGBT community.
Alam mo, sa totoo lang, hindi masamang maging open sa sexual experience. Kung ginagawa ito ng may respeto at consent, that’s your body, your story. Ang mas nagiging issue ay kapag ginagamit ang redlines bilang sukatan ng worth ng isang tao. Kapag marami ka, sasabihang “malandi.” Kapag kaunti, “maarte” o “manang.” Pero hindi dapat ganun. Hindi tayo nabubuhay para sukatin sa bilang.
Para sa LGBTQ+ na matagal nang nilalabanan ang stigma, nakakapagod na rin kung pati sa loob ng komunidad ay may ganitong pressure. Kaya paalala lang, beh:
YOUR REDLINES DON'T DEFINE YOUR DIGNITY.
Walang tama o maling bilang. Ang mahalaga, ginagawa mo ito nang may respeto sa sarili, at hindi dahil napipilitan o para lang “makisabay.”
BE MINDFUL OF YOUR HEALTH.
Usong redlines? Dapat usong safe sex, HIV testing, condom, PrEP, at tamang impormasyon. Hindi nakakahiya magtanong o magpa-check. Nakakalungkot kapag pinabayaan ang sarili.
NO TO SL*T-SHAMING OR SHAMING AT ALL.
Lalo na sa kapwa mo LGBT. Hindi mo alam ang pinanggagalingan ng isang tao. Anong malay natin di ba? Baka may trauma, longing, o personal journey siya. Hindi natin papel ang manghusga.
LET'S NORMALIZE SEXUAL HONESTY AND SEXUAL RESPONSIBILITY.
Kung mapag-usapan man ang redlines, dapat kasama rin doon ang self-respect, mental health, at body boundaries.
Mula sa FTS LOBO, lagi naming paalala na hindi mahalaga kung ilan na ang naging redlines mo. Ang mahalaga, buo ka. Tanggap mo ang sarili mo. Pinoprotektahan mo ang sarili mo. At ginagalang mo rin ang journey ng iba.
Kaya kung makatagpo ka man ng taong may “zero” redline o “one hundred”, hindi ‘yan ang tanong. Ang tanong ay: Mahal ba nila ang sarili nila nang buo? At kaya ba nilang magmahal nang may respeto?
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan. At nais naming ipabatid na lubos kaming humahanga sayo.
Love,
FTS LOBO Organization Inc. 🏳️🌈
Your voice matters. Share your thoughts below. Let’s learn and grow together with AskFTSLobo.
